Last Friday Night

20131014-183008.jpg

Last Friday, I went home from UP and left at 6 pm. It was right after my last requirement for the semester just finished. Sembreak just started for me, and I couldn’t wait to get home!

It was a rainy Friday night, and all the jeeps that passes by UP College of Mass Communication were full. It was around 5:45. My friend and I went to the other side of the Academic Oval for better chances of boarding a jeepney. Fifteen minutes later, we got in.

It went like my typical trip back home. I accompanied my friend to the van terminal near the MRT. A few minutes later, I went up to the trains, the usual route: board at Quezon Avenue station, alight at Ayala.

I got to Makati. Here, I would ride the UV Express van that would pass by the village where I lived. Once I go down in front of the village, our house is walking distance from it. So as soon as I got down from the MRT, I went straight down to the UV Express terminal. From the stairs, I could already see the sea of people queuing to get home. I usually see this many people, and when I get to the Sucat-El Grande line, there usually is a short queue or no line at all. I trudged forward, sweaty and feeling warm wearing a long sleeved polo with folded sleeves.

“BF to?” I asked one of the yuppies in line.

“Oo, pero dun pa yung dulo ng pila,” he said, pointing all the way to the back. The line has curled two, three, maybe four times. It was REALLY long. i would probably have to wait at least an hour before I could get into a van. In cases like these, I would go out, take a bus to Alabang, ride the jeep to Toyota Alabang-Zapote, and then take the tricycle home. It was 7:20 pm

The proper bus stop for Ayala is about 30 steps from the stairs coming from the MRT station. The people who want to ride the bus are 100 steps from these same stairs….to the other direction. While they may be dicks, if I don’t follow them, I won’t be able to get home. So i went where they are, heavy rain notwithstanding.

I don’t know, five or ten minutes later, I saw that all buses plying that route are full. As in, standing room, jampacked full. No, there wasn’t any chance I can ride a bus here. I walked on, waiting at the EDSA-Ayala intersection, thinking maybe these buses are full because right here is where all the people are getting in. No chance, still. I crossed the intersection. All cars were stopped because of the red light. I scoured the buses, nil.

Seeing no chance, I walked on, northbound, away from my destination. On and on I went. All buses were full. It was getting frustrating. I was tired, hot, and wet, and the rain was getting stronger. The farther I walked, the more I thought that, shit, I should’ve just waited for that line in Ayala. At least I won’t have to walk, and it’s a sure ride home. Damn it. I decided I’d just make my way to the bus stop near the Buendia MRT. It seemed so far, yet so near, yet so fucking far.

Before we moved to our current residence, I always rode the bus on Buendia. It was easier to ride here than in Ayala. This was the thought in me while walking, the motivation pushing me to walk walk walk to Buendia.

I got there and waited under the shed. People aren’t there because they’re all anticipating the buses earlier so they could ride immediately. You know, the “me first” mentality. I waited with them. Five, ten, fifteen minutes. Still none. All buses coming are either already full, or get full right before I get in. I was really tired.

I usually don’t like riding ordinary fare buses. They’re hot and too stuffed, which makes it hotter. But at that time, it just didn’t matter. Whatever the first bus comes, I would ride. True enough, an ordinary fare bus came along, with free seats. I boarded it. Finally. Time check, 8:30 pm. I texted a classmate saying I was close to tears that I still haven’t come home.

The bus went to the underpass. And it would stay there for a long, long time. The traffic along EDSA was terrible. When we got to the Skyway, the traffic ON the Skyway was also heavy, especially near the toll gate. It was 9:30 when I got to Alabang, and the weather got worse.

Sometime ago, they changed the routes of the jeeps in Alabang to lessen the traffic. Bad thing for me, now I didn’t know where everything was. It was terrible. I couldn’t find my way around. Since it was getting late, I bought a hotdog in 7-11. Waited there for about 10 minutes. My classmate thought I was already home by then

Then I went back to looking for these jeeps. They usually pass at the corner near KFC South Station. But that night, they weren’t. Those that passed were full. Others didn’t take passengers past Alabang Town Center. Still others, they wouldn’t take any riders anymore. I walked all the way near Starmall Alabang because everyone was walking to that direction. I saw a jeep taking riders in, and the passengers were in a line. It looked like a terminal. I came to it. No jeeps for another 15 minutes. I was getting frustrated: my feet are soaked, my umbrella has pierced itself due to strong winds, my pants were also wet. Worse, on that day, I felt feverish.

When I finally rode a jeep, I was relieved. Until I saw the traffic along Alabang Zapote road.

I was in front of Westgate, and that was the tailend of the traffic jam. It barely moved. Inching its way slowly, the jeepney just stopped in front of ATC. The whole Alabang Zapote road was literally one big parking lot then. Lots of commuters already went down and walked. I joined those in the exodus of Alabang Zapote road. At that moment, I swear the traffic jam was infinite.

The rain was really hard, the wind almost folded my umbrella inside out. But I had to do it. If I didn’t walk, I probably would’ve reached home the following day. My mom always told me before to replace my umbrella because it was defective already. But it was still protecting me from the sun, the rain, and anything else. I didn’t have to yet. After that night, though, I wanted to. Immediately.

I walked on. Each step I took, my foot squeezed water off my sock, only to soak itself in it afterwards. I avoided puddles of water, bikes, motorcycles, but the wind was really a big hindrance.

When I got to the tricycle terminal in Toyota, the line was long, both for the commuters and the line of cars exiting the Concha Cruz gate of BF Homes. There also weren’t any tricycles. I made up my mind and decided to walk all the way home. As I reached the gate, I saw three tricycles, but they stayed inside the gate because there was no way out. I approached them, got in, and got home.

Time check, 11:30 pm.

All the while, I was thinking that if I just became patient with the UV Express line, I wouldn’t have needed to get through all of that trouble. I thought no commute can top my three hours in 2011. Until that Friday night when it took me an unprecedented five and a half hours. I came home with wet shoes and socks, a fucked up umbrella, an experience of a lifetime (unforgettably traumatic), and a new record for longest travel time home.

Swerte Sabado

May mga araw talaga na minsan swerte ka. Naranasan ko ‘to noong Sabado.

Tuwing 8:30am ng Sabado, meron akong klase: Journ117, online journalism. Gusto ko ‘tong klaseng ‘to dahil online ang patutunguhan ng peryodismo, gustuhin man natin o hindi.

Anyway. Nitong nakaraang Sabado, malakas ang ulang dala ng bagyong Ferdie. Dahil malakas ang ulan, malamig. At dahil malamig, masarap matulog.

Biyernes ng gabi, naalala kong malakas na ang ulan. Medyo late na akong natulog noon, mga 12 na ata. Alam kong hindi ako magigising kung walang manggigising sa akin. Dahil 8:30 ang klase ko, mga 6:30 ako dapat umaalis para sakto lang, o maaga pa, ang dating ko. Ibig rin sabihin nito, mga 5:30 dapat bumabangon na ‘ko. Kaya sinet ko ang alarm ko nang 5:16. Nagset pa ‘ko ng isa pa: 5:28. Wala nang excuse para hindi ako bumangon.

Nagalarm iyong 5:16. Snooze. Nagalarm iyong 5:28. Isa pang snooze. Bumalik ako sa tulog. “Five minutes,” ang sabi ko sa sarili ko.

Biglang may kumatok sa pinto. “Ano oras ka aalis?” tanong ni Mommy.

“Mga 6:30” sinabi ko habang halatang-halata pa sa boses ko ang antok.

“O, eh bumangon ka na. 6:20 na o!”

Para akong binuhusan ng kape. Nagising ako at agad agad na tumakbo sa banyo’t naligo. Malamig ang tubig. Ramdam na ramdam kong gumuhit sa ilong ko ang sipon pagkalabas na pagkalabas ko ng shower.

Lalo pang lumalakas ang ulan. Nagdududa na ‘ko kung may klase nga talaga kami. Kaya bago ako umalis, nag-Facebook muna ako. Wala pa namang post ang guro namin. May klase, ibig sabihin. Nakaalis ako ng bahay mga 6:50 na.

Nakasakay na ako sa bus, bandang Magallanes na. Nagtext ang mga kaklase ko, tinatanong nga kung may pasok nga ba kami. Sinabi kong wala namang post at papunta na rin ako ng UP. Malamang yan meron.

Habang nasa MRT na ‘ko, may mga nagtetext pa rin, pati hindi ko kaklase nagtatanong kung may pasok.

Pero pagdating ko ng Guadalupe MRT, tinext ako na kakapost lang ni sir na walangklase sa araw na iyon. Ibinalita ko na rin ito sa mga nagtatanong-tanong sa’kin. Pagdating ng Boni, bumaba na ‘ko, tapos sumakay ng bus pabalik ng Alabang.

Kay bait ng tadhana. Iniisip ko kung nagising ako sa tamang oras, baka nakarating na ‘ko ng UP bago ko nalamang walang klase. Tulad ng ilang kakilala ko. Nakapasok na nang malamang kinansela ang klase namin.

Minsan talaga swerte ka lang, katulad ko noong Sabado.

Mga Realization sa Sistema at Prinsipyo

Matagal ko nang ninais naisulat ‘to, kaso ngayon lang dumating ‘yung panahon.

Isang gabi noong may pasok pa, mga early to mid-March – ay teka, hapon ata yun. Sa tagal na, hindi ko na maalala yung mismong detalye.

Pero okey lang yan. Beside the point na kung anong oras siya nangyari.

Isang Biyernes yun. Rush hour. Sweldo weekend. Maraming tao. Punuan lahat ng pampasaherong sasakyan: MRT, jip, bus, you name it, puno sila.

Habang nasa MRT ako mula Quezon Ave, iniisip ko na kung saan ako bababa: Buendia o Ayala? Madalas kasi, halos araw-araw, sa Ayala ang baba ko, tapos bus mula doon. Sa mga araw na sumasabay ako sa tatay ko pauwi, bumababa ako sa Buendia tapos lalakarin ko papunta sa opisina niya. Kapag rush hour rin, at nag-iisa lang ako, sa Buendia ako bumababa. So hindi talaga ganoon kadalas ang baba ko doon.

Naisip kong bumaba na lang sa Ayala. Mas mabilis ang biyahe, kahit na sigurado akong nakatayo ako sa biyahe.

Huminto na ang MRT at bumaba ako sa sakayan ng bus. Ang daming tao. Umaapaw ‘yung sakayan ng PACITA at ALABANG. “Shet,” naisip ko, “sana nag-Buendia na lang ako.” Ang dami talagang tao!

Dahil nakatira ako sa Alabang, malamang tumayo ako sa sakayan ng ALABANG. Ang dami talagang tao, grabe. At bawat bus na dumadaan, puno na. As in hanggang sa may pintuan na yung standing room. Wala nang makasakay.

Yung ibang nakapaligid sa ‘kin, nag-aabang lang nang mahinahon ng bus na masasakyan nila. May mga fellow komyuters naman sa paligid ko na nagpupumilit sumiksik sa bus. Meron namang nag-aabang talaga, tapos tatawid sa gitnang island at doon sasakay, kahit ordinary bus na lang. Walang problema sa mga ‘to. Tama naman ang ginagawa nila.

Pero merong iba na talagang kinasusuklaman ko. Mga nagkokomyut na talagang gusto kong tadyakan. Eto yung mga mistulang nag-e-exodus papunta sa direksyon kung saan nanggagaling ang mga bus. Sa lugar kung saan walang sakayan. TAPOS DOON SILA SASAKAY. Mga engot rin naman yung mga drayber ng Alabang bus. Pasasakayin naman sila. At pagdating sa holding area ng PACITA-bound riders, magpapasakay pa rin sila. E di anong mapapala ng mga naghihintay sa holding area ng mga ALABANG-bound? Syempre wala nang mauupuan at wala na ring matatayuan kasi nga sobrang dami ng tao.

Engot yung mga pasaherong lumalabag sa batas, mas engot yung mga drayber na walang pakialam sa batas. Pero ang pinaka-engot sa lahat ng nandoon sa paligid ay hindi yung komyuter o yung drayber; ‘YUNG MGA MMDA ang rurok ng kinaiinisan ko. Alam na nga nila yung batas, dapat pinatutupad nila yung batas, nakikita nilang nilalabag ng mga drayber at komyuter yung batas, pero wala silang pakialam. Nakatanga lang dun, nagmamando sa mga bus na dumerecho. Para namang may iba pa kasing pupuntahan yung mga bus. Alangan namang lumiko sila.

Sa magulo’t nakakinis na kapaligirang kinatayuan ko nang hapong iyan, may realizationg tumama sa ‘kin.

Kahit ano’ng mangyari, mahirap na mahirap talagang hindi malamon ng sistema. Sa sistema ng gobyerno, ng midya, ng kahit ano.  Kahit na gaano ka pa ka-idealistic, hanggang idea lang yan. Sa dulo ng lahat, kailangan mong maglagay ng pagkain sa hapag-kainan para sa pamilya mo, kailangan mo ng pera para mapa-aral ang anak, kailangan mo ng pera pambayad mo ng utang sa inuupahang bahay o apartment.

At sa kaso ko, kailangan kong makauwi. At labag man sa kalooban ko, kailangan talaga minsang kalimutan ang prinsipyo at “makisama” sa ginagalawang kapaligiran, kung saan ang mali ay tama, at kung saan ang pinaniniwalaan mong tama ay hindi gagana.

Naalala ko dati, may isa akong propesor na nagsabing kung gusto mo ng peryodismong malinis, mag-alternative media ka, yung mga tipong underground. ‘Yun nga lang, walang pera dun. Ang pera nasa mainstream na media. ‘Yun nga lang, medyo marumi. So bahala ka nang mamili kung anong mas pinahahalagahan mo.

Bilib ako sa mga taong talagang matatag sa prinsipyo nila, ‘yung kahit ano’ng mangyari ay hindi ito bibitawan. Mahirap gawin ‘to. Sobrang hirap.

At dahil sa realizationg iyan, napatunayan ko ring marami talagang matututunan sa pagkokomyut. Simpleng bagay lang, ang pagiging hirap sa pagsakay, naiugnay ko sa sistema at sa prinsipyo. Parang hindi bagay ang mga salitang komyut, prinsipyo, at sistema sa iisang ideya. Pero pwede na. Nagawa ko nga diba?

Espasyo sa Jeepney

Alin ang  mas maraming nasasakay, jip o ambulansya?

Ambulansya. Ang jip kasi, walo-walo o siyam-siyam usually ang nasasakay; ang ambulansya ang nasasakay 50-50.

Hindi ko maalala saan ko nakuha ‘yang joke na ‘yan.

Naalala ko lang dati, dito sa Alabang. Nasa South Station ako, pauwi, nakasakay sa jip na nagaabang pa ng pasahero. Tuwing nagkokomyut ako, nakikinig ako sa radyo o kaya sa music ko. May isang pasahero (o pasahera kasi babae siya) na maasim yung mukha, parang galit ata.

Una hindi ko muna siya pinansin. Ngunit matagal na siyang gumaganito. Ilang minuto na rin. Tinanggal ko ang isang earphone at nakinig. Sinisigawan pala niya ‘yung barker. “Tignan mo ‘yung upo nila dun!” habang nakaturo sa direksyon ko. Nagpapasakay pa si barker, kaso sinasabi nga ni nanay e wala nang mauupuan pa. Obyus naman nga kasi alanganin na ‘yung upo ko at nung katabi ko.

Nakwento ko ito dahil isa ‘to sa mga suliraning kinakaharap ng mga barker ng jip. Paano nga naman kung kulang pa di umano ang pasahero, yung tipong pang-siyam na tao yung isang bahagi ng jip, kaso walo pa lang eh masikip na? Magpapasakay ka pa ba? Paano kung may isang malaking taong sumakay?

Kaya dapat walang takdang bilang ng taong pwedeng sumakay sa jip na parang quota. Dapat relative ‘to sa laki ng mga nakasakay. Para walang away at paginit ng ulong magaganap.

Waiting In Line

Ngayong nag-kolehiyo lang ako natutong magkomyut. Sa isa’t kalahating taon ko nang nagkokomyut araw-araw papasok ng UP, marami na ‘kong nasaksihang mga interesanteng pangyayari: ‘yung natumba bigla pagandar ng MRT, ‘yung mga nakakabwisit umupo sa jip, ‘yung mga pasahero sa jip na ayaw iabot ‘yung bayad mo, ‘yung nagte-Temple Run sa MRT tapos pinapanood ko, at marami pang iba.

Nakakita na rin pala ako ng mga nilalang na hindi ko na masabi kung lalaki o babae dahil sa itsura.

Nakakita na rin ako ng konduktor na handang-handa nang kotongan ‘yung pulis na humuli sa kanila. Nakakita na rin ako ng pulis na sumabay sa bus mula Ayala hanggang Magallanes. Libre ata ‘yung sakay niya. Hindi ko alam kung bakit.

Nakakita na ‘ko ng tatay na may dalang birthday cake para sa anak niya (inassume kong sa anak niya kasi may kandilang “1”. O baka hindi ko lang nakikita ‘yung isa pang digit”).

O, ang saya magkomyut ‘di ba?

Oo, masaya siya dahil hindi mo alam kung ano’ng makikita mong kakaiba.

Isa lang talaga ang nakakabagot sa pagkokomyut: ang paghihintay.

Kung tutuusin, hindi naman talaga ganoon kalayo ang UP mula sa Alabang, and vice versa. Kakayanin ng wala pang isa’t kalahating oras ang biyahe one-way. Ang biyahe ko sa umaga kapag alas-otso ang klase, sumasabay ako sa tatay ko hanggang Magallanes tapos mag-e-MRT ako mula doon. Ang alis naming alas-sais ng umaga, nakakaabot ako ng UP ng mga 7:15 o 7:20. Madalas ganito.

Ngunit mayroon ring mga panahong inaabot ako ng higit pa dalawang oras sa biyahe. ‘Yung trapiko maiintindihan ko pa. At wala naman talaga akong masyadong magagawa tungkol dito. Isa pa, ang trapikong nararanasan ko ay sa Alabang-Zapote Road lang naman. Rush hour kasi.

Ang nakakasira talaga ay ‘yung magaabang ka ng masasakyan. Minsan higit sampung minuto akong naghihintay sa may Centris sa Quezon Ave. para sa isang UP na jip. At pagdating nito, sobrang haba na ng mga nakapilang pasahero. Oo, minsan lang ito, pero perwisyo pa rin ito.

Minsan rin sa Ayala ay nagabang ako ng bus. Mga 15 minuto rin akong naghintay noon. Ilang jip na ang dumaan ngunit ang mga ‘to’y puro puno. At ‘pag sinabi kong puno, as in kahit ‘yung mga nakatayo nakatapak na sa may hagdanan ng bus. Nang mapansin kong walang dumarating na Alabang bus, naisipan kong mag-shuttle/van na lang. Inisip ko kasi, rush hour naman, madali na ‘tong mapupuno.

Dumating ako sa terminal ng mga shuttle/van. Iniabot ang bayad at umupo. At naghintay. Nang naghintay. Nang naghintay. Mga 20 minuto rin ako naghintay. Bente minutos lang naman.

Kaya ang total time ng pagaabang ko eh umabot ng mga 30 minuto.

Ang dami ko nang maaaring gawin sa 30 minuto: maligo, kumain, maghugas ng mga pinagkainan ko, matulog, etc. Marami na talaga. At dahil lang sa paghihintay, nawaldas ang 30 minuto ko: 30 minutong hindi ko na maibabalik na napunta lang sa walang kakwenta-kwentang bagay: ang paghihintay.

Kaya ko gusto ng sarili kong oto e.

Lugi sa Bayad, Kahit ba Discounted

Eto na yata ang pinakamalalang karanasan ko sa pagkokomyut mula noong tatlong oras kong biyahe mula UP hanggang Alabang noong Nobyembre 2010.

Maganda naman ang takbo ng komyut nang sumakay kami ng aking orgmate sa jeep papuntang MRT. Sakto lang kami sa jeep. Swabe ang daloy ng mga tao. Marami, pero ganoon talaga dahil rush hour na.

Pagdating namin sa Quezon Ave MRT, natuwa rin kami dahil hindi masyadong marami ang taong sasakay. At pagdating ng tren, hindi ito puno. Maluwag pa ang maaaring tayuan ng tao. Dumaan ng Cubao, wala rin masyadong tao. Dumaan ng Shaw, wala ring masyadong tao. Kahit na napuno rin ‘yung tren, hindi ito mala-sardinas sa sikip.

Bumaba na kami ng Ayala at naghiwalay kami ng orgmate ko. Sumakay siya ng van pa-Las Piñas at napagpasyahan kong mag-bus na lamang. Tumayo ako sa sakayan ng bus. Hindi ganoon karami ang tao. Ngunit hindi rin ganoon karami ang dumarating na bus.

Nag-abang ako, habang kinakain ang empanada na binili ko sa Empanada Royale sa istasyon ng MRT. Kinuha ko sa bulsa ko ang earphones at cellphone, ikinabit sa tenga ko, at inilipat sa 99.5 RT para makinig sa Disenchanted Kingdom.

Limang minuto na, wala pa rin.

Sampung minuto, wala pa.

Dalawampung minuto, may dumating ngunit punong-puno na.

Mga dalawampu’t limang minuto akong naghintay para lang makasakay, at sumakay lang ako dahil kating-kati na ‘kong umuwi.

Ngayon lang ako nakaranas nang bus na ganoon kapuno. Walang ni-isang upuang bakante. Pati lahat ng standing room ay inokupahan na rin. Hindi nga mala-sardinas sa MRT, bumawi naman siya sa bus na ‘to. First time kong makasakay ng bus na nakatayo lang sa may pintuan. Nakapaligid pa sa akin ang dalawang lalaki, yung pintuan at yung mga paa ng nakaupo sa harap. Kaya tuwing gagalawin yung pinto (thankfully dalawang beses lang namang nangyari), kinakailangan kong umakyat ng isang hakbang.

ANG SIKIP TALAGA.

“Sa’n kayo, ser?” tanong ni manong konduktor.

“Alabang, studyante,” wika ko, sabay abot ng 100, at kinuha ko na rin ‘yung sukli kong 72.

Ang sikip nga so todo-effort talaga sa pagkuha ng pitaka.

Ilang minuto ang nakalipas, dumating si aling inspektor ng tiket. Tinawag ako’t hiningi tiket ko. Siyempre hindi ko ‘to nagustuhan dahil ang sikip sikip na nga. Inabot ko ‘yung tiket. Nakita ni ateng 28 pesos.

“Studyante po, ser?”

“Opo,” sagot ko.

Hindi ko inasahang gagawin niya ang susunod na katagang binitawan niya.

“Patingin po ng ID ser.”

‘Langya. Hindi ata nakadilat si ate. Ang sikip sikip na nga, pinakuha pa ‘yung ID ko sa bag ko. Pitaka ko nga hindi ko halos makuha, ipatatanggal pa ang bag ko para halungkatin yung ID ko.

Hindi nga dapat ganun ‘yung binayad ko dahil sa posisyon ko sa bus e. Dapat discounted. Kumbaga kung jeep ‘to,  upong-piso ‘yung posisyon ko (piso lang ang value ng nakaupo sa’yo).

Grabe ‘yun. Ibang experience.

Pagkatuto sa Labas ng Classroom

“Hindi lamang sa classroom nakakulong ang karunungan,” ‘yan ang sabi ng mga tao. Totoo naman. May mga bagay na hindi mo talaga matututunan sa loob ng silid-aralan.

Noong isang araw lang naranasan ko ito.

Pauwi ako ng Alabang galing sa UP. Nakasakay ako sa MRT. Himala naman at nakaupo ako. Bihira kasing magkaroon ng space makaupo kapag hapon na. ‘Yung nakatabi ko, naka-t-shirt at baseball cap. Buti nama’t maaliwalas pa ang amoy ng kanyang katawan.

Pagkaraan sa isang istasyon, may isang sumakay na office worker (kung titignan ang kanyang kasuotan: long sleeves, slacks, at marahil ay naka-kurbata pa siya bago sumakay ng MRT). Dahil puno na ang tren, nakatayo na lang siya. Napagdesisyunan niyang mamalagi sa harapan ng katabi ko.

Sa Ortigas station yata sumakay si Office Worker. Hindi ako sigurado. Pagdating ng Shaw, nakita ko sa peripheral vision ko na kinalabit ng katabi ko si Office Worker. Nagkatitigan sila. Inisip siguro ni Office Worker, “Kilala ko ba ‘to?” Sa kanyang tingin, para bang sinusubukan niyang mamukhaan ang kumalabit sa kanya.

Nagpakilala na ang katabi ko. At nang siya’y magsalita, nagulat ako. ‘Di ko akalaing ganoon ang boses niya, at ang paraan niya ng pananalita. Smooth ang pag-i-Ingles niya, tama and diction, pero wala sa kanyang itsura.

Ito ang una kong natutunan sa sakay kong ito: ang panlabas na anyo ay mapanlinlang nga talaga. May ibang mukhang hindi magaling mag-English, pero magaling pala; may iba ring mukhang magaling, pero bano kapag narinig mo.

Matapos ang kanilang pagpapakilalang muli sa isa’t isa, nagkumustahan sila. Mga tipikal na tanong: saan na nagtatrabaho ngayon, saan na nakatira, pamilya, mga ganoong bagay.

Biglang naikwento ng katabi ko na pumanaw na ang kapatid niya na dati ay ka-opisina ni Office Worker. Malapit na ang death anniversary. Sa January daw.

Malamang, ang tinanong ni Office Worker ay, “Ano’ng ikinamatay niya?”

Nagulat ako sa sagot ng katabi ko, at ito ang pangalawang bagay na natutunan ko sa komyut na ito.

“Cancer sa dila,” sabi ng aking katabi.

Cancer of the tongue. Mayroon palang ganoong klase ng cancer. Hindi ko talaga akalaing may ganun. At nang marinig ko ‘to, lalo pa ‘kong naintriga. Nakinig ako ng mas mabuti.

“Mayroon siyang singaw sa dila,” kwento ng katabi ko, “na inisip niyang normal na singaw lang. Pero matagal nang nandoon at hindi pa rin nawawala.”

Napaisip ako, “May ganoon ba sa katawan ko? Matagal nang hindi pa rin nawawala? Hmm…” Naisip ko ang pimples ko.

Tumuloy ang katabi ko, “Kaya naisipan niyang ipa-check sa doktor.”

Hindi ko na maalala ang sumunod na sinabi niya, basta ang naalala ko ay mula sa dila, kumalat ito sa bandang throat at ‘yung mga bahagi ng katawan na naroon.

Hindi ko na naalala ang mga pinagusapan nila matapos nito. Basta itong cancer ng dila ang tumatak sa isip ko. First time ko kasing marinig ang sakit na ito na buong akala ko’y hindi nag-eexist.

Umuwi ako noon, at proud kong masasabing may bago akong natutunan sa araw na iyon, isang kaalamang hindi ko napulot sa loob ng silid-aralan.